Quantcast
Channel: DEPED TAMBAYAN PH
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1683

Php 2,000 Sweldo Para Sa Mga Plain Housewife

$
0
0

Php 2,000 Sweldo Para Sa Mga Plain Housewife Isinusulong Sa Kongreso


Hindi madali ang mag-alaga at maghapong pag-aasikaso sa mga anak, kaya isinusulong ng isang mambabatas ang pagbibigay ng P2,000 kada buwan na suporta o kompensasyon sa mga inang walang trababo maliban sa pag-aaruga ng mga anak.




Sa inihaing House nill 8875 ni Albay Rep Joey Salceda ay layon nitong kilalanin ang sakripisyo ng mga housewife sa pagtataguyod ng pamilya.

Sa ilalim ng panukala ay matatanggap ng sahod ang mga nanay na nasa mahirap na sektor na may anak na 12 taong gulang pababa.

Inaatasan ng panukala ang Department of Social Welfare and Development na tukuyin ang mga beneficiaries at bumuo ng mekanismo para sa buwanang sahod ng mga ina.

Paliwanag ni Salceda, aabot sa 35 billion pesos ang gagastusin para sa social protection assistance program kung saan 32 billion pesos ay ilalaan sa mga babaeng kasal, habang 3 billion pesos sa single mothers o biyuda.
Noong January 2018 aniya ay umabot sa 11.2 million ang bilang ng kababaihan na wala sa labor force at nananatili lamang sa bahay para alagaan ang pamilya na nangangailangan din ng suporta mula sa gobyerno./Macs Borja

Viewing all articles
Browse latest Browse all 1683

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>