Quantcast
Channel: DEPED TAMBAYAN PH
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1683

Ano ang dapat gawin kung nag-withdraw sa ATM pero walang lumabas na pera at nakaltasan ang account mo

$
0
0

Ano ang dapat gawin kung nag-withdraw sa ATM pero walang lumabas na pera at nakaltasan ang account mo

By JAMIL SANTOS, GMA News

Nangyari na ba sa iyo na nag-withdraw ka ng pera sa ATM pero walang lumabas na pera ngunit nawabawasan ang account mo? Alamin ang mga payo ng Bangko Sentral ng Pilipinas kapag naranasan ang ganitong insidente.
  • Una, Isulat ang petsa, oras, ATM location at iba pang impormasyon tungkol sa naging transaksiyon.
  • Pangalawa, itago ang resibo o kuhanan ng larawan o ipa-photocopy dahil mayroon mga resibo na madaling mabura ang mga nakasulat.
  • Pangatlo, kaagad ipagbigay-alam sa mga kinauukulan ang nangyari. tumawag sa inyong bangko at sabihin ang detalye ng insidente.
  • Pang-apat, magsampa ng pormal na reklamo. Kung sakaling hindi kaagad natugunan ang insidente o hindi naibalik ang pera, magpadala ng sulat-reklamo sa bangko, kasama ang mga mahahalagang dokumento katulad ng resibo.
  • Pang-lima, iulat sa BSP. Kung hindi aaksyunan ng bangko ang reklamo, ipagbigay-alam ito sa BSP. Isama ang mga detalye at kopya ng mga dokumento. -- FRJ, GMA News

Viewing all articles
Browse latest Browse all 1683

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>