Quantcast
Channel: DEPED TAMBAYAN PH
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1683

ANO BA? ANIM NA ORAS LANG TALAGA ANG MGA GURO SA PAARALAN SA BUONG BANSA!

$
0
0

ANO BA? ANIM NA ORAS LANG TALAGA ANG MGA GURO SA PAARALAN SA BUONG BANSA!


Si Dr. Diosdado San Antonio ay Regional Director ng DepEd Calabarzon at ang kanyang paninindigan sa usapin ng working hours ng public school teachers ay hindi lamang sariling opinyon kundi alinsunod sa mga existing rules ng CSC at DepEd (CSC Resolution 080096, DepEd Memroandum 291, s. 2008 at DepEd Order No. 16, s. 2009).

Lahat ng ito ay naipanalo na natin noon pang panahon ng Sec. Jelsi Lapus. Ayon sa paliwanag ni Sir Dads both sa kanyang nilagdaang regional memorandum noong June 23, 2015 at sa kanyang paliwanag sa mga forum- hindi lamang sa mga guro kundi maging sa mga principal at SDS ng CALABARZNON, dapat payagan at gumawa ng paraan ang paaralan sa pangunguna ng mga punongguro upang ang teachers engaged in actual classroom teaching ay mag-stay ng anim na oras lamang sa loob ng paaralan at ang dalawang nalalabing oras to accomplish other tasks ay option na ng guro kung saan niya gustong gawin.


Sa video na ito na kuha noong August 22, 2016 sa isang forum ng TDC CALABARZON na ginanap sa Sto. North Tomas Central School, Batangas, ipinaliliwanag niya na hindi kailangang bunuin ang walong oras sa loob ng paaralan at kailangan lamang na i-note kahit sa form 48 na ang additional 2 hours ay spent outside school premises at maaari nang lumabas sa school ang teacher after ng 6th hour niya sa loob.

At take note, ang six hour-workday ay applicable sa mga guro, kahit pa single, double or triple shifts ang mga bata. KAHIT MAGHAPON AT MAGDAMAG PA ANG PASOK NG MGA BATA SA PAARALAN, ANG MGA TEACHER AY ANIM NA ORAS LANG! Kaya nga may shifting.

Huwag niyo rin sasabihin sa akin na sa NCR at CALABARZON lang ito applicable ha, iisa lang ang Republika ng Pilipinas at ang kautusang ito ay halaw sa isang republic act (RA 4670), iisa lang rin ang Civil Service Commission at ang Department of Education sa buong bansa.

Muli, hindi ito opinyon ng isang director sa DepEd, ito ay batas at utos ng nakatataas, ng awtoridad sa kagawaran at maging ng CSC kaya ito ay dapat nang ipatupad sa buong bansa.

Marami pa tayong video sa susunod.
-Benjo Atingguro Basas

Viewing all articles
Browse latest Browse all 1683

Trending Articles