Quantcast
Channel: DEPED TAMBAYAN PH
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1683

200 teachers, kinasuhan ng isang lending company

$
0
0

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang dalawang daang guro ng mga Pampublikong Paaralang Elementarya at Sekondarya ng Nueva Ecija dahil sa pagkakautang sa St. Bernadette Credit and Lending Corporation.
   Kabilang sa mga kasong isinampa sa kanila ng naturang Lending Company ay ang mga Administrative Cases na Dishonesty, Conduct Unbecoming of Public School Teacher, Willful Non-payment of Monetary Obligation sa Civil Service Commission, Department of Education at Professional Regulation Commission, at Criminal Case na Estafa.
   Isa sa mga kinasuhan ng Estafa o panloloko upang makapangutang at nakulong ay si Sylvia, hindi tunay na pangalan.
   Kwento ni Sylvia, nakakuha ito ng alahas sa St. Bernadette Credit Lending and Corporation noong taong 2012 na nagkakahalaga ng 24,000 pesos at sa buong pagkakaalam aniya nito ay bayad na iyon.
   Nagulat na lamang aniya siya ng may dumating na dalawang pulis mula sa CIDG sa kanilang eskwelahan noong October 24, 2016 na may dalang warrant of arrest para sa kanya, sa kabila ng wala umano itong natatanggap na subpoena ay kalmado itong sumama sa mga pulis.
   Isa din sa nagbahagi ng kanyang kwento ay si Lorna, hindi tunay na pangalan, ayon sa kanya nag-apply ito ng calamity loan sa GSIS noong 2015 ng mahigit sa 98,000 pesos.
   Nagawa pa umano nitong mangutang ng pamasahe sa mga kakilala upang alamin kung maaari na niyang makuha ang niloan nitong pera, ngunit ng puntahan aniya nito ang GSIS ay napag-alaman nitong nailabas na ang pera noong October 28, 2015.
   Dahil sa pagtataka kung paano at sino ang nakapaglabas ng perang niloan nito ay pinayuhan aniya siya ng GSIS na magtungo sa Union Bank at dito nito nalaman na nakuha na ito ng pinagkakautangang lending company.
   Kwento pa niya, dahil sa malaking pangangailangan ay tinungo niya ang pinagkakautangang lending company upang makiusap na makakuha ng kahit na maliit na halaga lamang mula sa mahigit 98,000 pesos na niloan nito, ngunit sa kanyang panlulumo ay hindi umano siya nakakuha ni kusing.
   Dahil sa malaking halaga ng naging interest sa utang ng mga guro at pagkakahabla sa kanila ng pinagkakautangan ay kumonsulta ang mga ito kay Atty. Jobby Emata, at sa ACT Partylist upang humingi ng tulong.
   Ayon kay Atty. Emata, nakatakda silang mag-file ng kontra-demanda sa may-ari ng St. Bernadette Credit Lending and Corporation.
   Dagdag nito, isa sa posible nilang isampang kontra-demanda sa may-ari ng nasabing lending ay Estafa dahil sa calamity loan ng ilan sa mga guro na hindi nila nakuha. –Ulat ni Jovelyn Astrero

COURTESY OF DOBOLP.COM

Viewing all articles
Browse latest Browse all 1683

Trending Articles