Benjo Atingguro Basas
-Teachers' Dignity Coalition (TDC)/ Ating Guro Partylist
January 11, 2017
“Ang teachers, I look at their pay, by next year, (Teacher I is the entry-level), they will be getting something like P27, 000.00.”
Iyan ang bonggang pahayag ni DBM Sec. Benjamin Diokno sa interview sa kanya ni Pinky Webb ng CNN Philippines noong January 5, araw kung kailan din nilabas ng DBM ang National Budget Circular (NBC) 568. Itinatakda ng circular na ito ang implementasyon ng 2nd tranche ng EO 201 o ang bersiyon ng Salary Standardization Law ng Administrasyong Aquino.
Sa mga naniwala sa balita na bente siyeta mil na ang ating suweldo at may balak nang humanap ng bagong bahay, negosyo, investment o pag-ibig, maghunus-dili kayo. Hindi iyan gaanong totoo.
Paanong magiging bente siyeta mil eh mula P19, 077 ay magiging P19, 620 lang ang sahod natin ngayong Enero?
Eh paano nga yun? Ganito. Ginaya ni Diokno si Abad, gumamit siya ng formula ni Abad, and this is really A BAD formula. Simple addition lang ng lahat ng suweldo kasama na ang mga bonus at ibang benepisyo, ang suma nito sa loob ng isang taon ay P324, 962, divided by 12 kaya tumataginting na P27, 000 ito sa isang buwan.
Ayos lang sana kung ganoon kasimple ang hatian. Eh ang tunay, marami sa package ng EO 201 ay minsan isang taon lang ibinibigay at kung PBB nga iyan, abaý aabot pa ng susunod na taon bago makuha. Tsaka hindi pa kinakaltas diyan ang lahat ng mandatory deductions gaya ng buwis, GSIS, Philhelath, Pag-ibig (at least merong pag-ibig) at iba pa.
Sec. Diokno, change is coming di ba? Bakit ginagaya mo pa si Abad Secretary? Please do not use A BAD formula!
Benjo Atingguro Basas
-Teachers' Dignity Coalition (TDC)/ Ating Guro Partylist
January 11, 2017
Benjo Atingguro Basas
-Teachers' Dignity Coalition (TDC)/ Ating Guro Partylist
January 11, 2017