Quantcast
Channel: DEPED TAMBAYAN PH
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1683

Basas: Dear Teachers, hindi masama ang Child Protection Policy

$
0
0

DEAR TEACHERS, HINDI MASAMA ANG CHILD PROTECTION POLICY

ni Benjo Basas, Teachers Dignity Coalition (TDC) Chairman


Child Protection Policy nga eh, ibig sabihin patakaran kung paano bibigyan ng proteksiyon ang mga bata. Anong masama? Hindi nga ba't kaya tayo naging teacher ay dahil mahal natin ang mga bata? Hindi ba't kaya tayo nag-teacher ay para turuan ang mga bata? Kasama sa ating responsibilidad ang unawain sila, alagaan at tanggapin sila ng buong pagpipitagan.


At hindi kasama sa trabaho natin ang paluin, murahin, saktan, ipahiya at abusuhin ang mga bata. Hindi ka tunay na guro kung ito ang iyong intensiyon. Gayunman kung minsan, sa ngalan ng disiplina at pagnanais na matuto ang mga bata, may pagkakataon na napapasigaw, napapamura, nagsesermon, nakakapambato ng chalk o eraser o nakakapamalo ang ilan sa atin. Hindi natin ito maituturing na pagmamalabis, pagkukulan pa, maaari. Hindi natin kailanman kukunsintihin ang sinumang teacher na may layuning mang-abuso o nasanay sa ganitong gawain. Subalit dapat nating ipagtanggol, kalingain at protektahan ang mga guro na nalalagay sa alanganin dahil sa mga kasong may kinalaman umano sa child abuse, lalo na kung sila ay biktima lamang ng mga sirkumstansiya.

Hindi masama ang Child Protection Policy. Pero bakit ganun? Bakit laging teacher ang nasasangkot sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga bata? Bakit napakaraming teacher ang nakakasuhan? Bakit napakaraming teacher na ang nakikilan, tinakot at pinagbantaan dahil sa mga bintang ng pang-aabuso? Bakit napakaraming teacher na ang pinagpiyestahan sa media at social media kasunod ng mga paratang ng pang-aabuso. Hindi pa man nakakasuhan, nahusgahan na at naparusahan si kawawang guro.
Ito kasi ang mukha ng Child Protection Policy sa atin- malupit, mahigpit. At lagi nitong nabibiktima ang mga guro. Laging naaabuso ang magandang hangarin ng batas. At ang mga guro, walang proteksiyon sa eskandalo, sa banta at mismong sa legal na asunto. Mantakin mo, lahat ng alam nating paraan ng pandidisiplina ay child abuse pala. Paano na? Saan tayo pupulutin at saan papunta ang ating mga mahal na mag-aaral sa ganitong sistema?
Sa ganitong kalagayan, may mali sa child protection policy. Sa ganitong kalagayan, may masama sa child protection policy.
Muli nating ipaalala sa DepEd, walang guro na nanaising saktan ang kanyang mag-aaral. Sapagkat walang sinumang tao ang maaaring maging guro kung hindi siya likas na mapagmahal, maunawain at matiyaga sa mga bata. #
(Si Teacher Richard ng Quezon City ay sinakal at pinagbantaan ng kanyang estudyante dahil umano sa pakikialam niyo sa fraternity nito. Mapalad pa siya, dahil noong taong 2010, isang guro sa Caloocan ay napatay sa saksak ng knayang estudyante matapos na sabihan niyang ida-drop kung hindi magpapagupit. At nito lamang 2016, isang guro sa Cagayan De Oro ang napatay rin ng kanyang estudyante dahil lang sa pagsaway niya dito sa paggamit ng celphone.)



Viewing all articles
Browse latest Browse all 1683

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>