Ang pagmamahal, ayon sa Mesiyas, ay walang pinipiling panahon, walang pinipiling tao. Ito ay para sa lahat, sa lahat ng oras.
Magsilbi nawang paalala ang Pasko upang muli nating balikan ang katotohanan na mayroon tayong pananagutan sa ating sarili at sa kapwa.
Para sa DepEd, malinaw ang pananagutang ito – ang maipagkaloob sa lahat ng Pilipino ang edukasyong dekalidad, abot-kamay, napapanahon, at nagpapalaya sa kamangmangan at kahirarapan.
Ito sana ang magsilbing gabay natin sa pagtalima sa tungkuling iniatang sa balikat – hindi lang ng DepEd – kundi sa lahat ng mamamayang Pilipino.
Isang makabuluhang Pasko sa ating lahat!