Quantcast
Channel: DEPED TAMBAYAN PH
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1683

Resulta ng action dialogue ng ACT sa DBM tungkol sa update ng PBB

$
0
0

Resulta ng action dialogue ng ACT sa DBM tungkol sa update ng PBB

November 8, 2016

Nagtungo ang Alliance of Concerned Teachers-NCR, ACT Philippines at Manila Public School Teachers’ Association (MPSTA) para sa isang dialogue tungkol sa Performance-Based Bonus (PBB) sa Department of Budget and Management (DBM). Nakausap ang Office of the Secretary, Organization Position Classification and Compensation Bureau (PCCB) na si Dir. Ryan Lita. Narito ang resulta ng dialogue:

  • Novembe 7 lamang nakapagpasa ng huling requirement ang DepEd Central sa DBM;
  • Dahil nahuli ang pagpasa ng DepEd, isasalang pa ito sa validation ng Presidential Management Staff (PMS);
  • Hindi tiyak kung kailan matatapos ang nasabing validation kaya hindi rin makapagbigay ang DBM ng eksaktong araw ng computation para sa release of payment ng PBB;
  • Tiniyak ng DBM na kapag nasa kanila na ang ating papeles ay agad nila itong ipoproseso;
  • Mauunang i-release ang Year-End Bonus (equivalent to 1 month Salary) at Cash Gift na P5,000 simula November 15;
  • Sinabi rin ng DBM na mayroon ring matatanggap na Productivity Enhancement Incentives (PEI) na P5,000 bago sumapit ang pasko.

Dadaan pa ito sa mahabang proseso dahil pinagpapasa-pasahan tayo ng DepED at DBM at dagdag pa rito ang pagsasalang pa sa Presidential Management Staff.
Kung hindi tayo kikibo at kikilos ay malamang na hindi pa natin ito matanggap ngayong Nobyembre. Kaugnay nito, inaanyayahan ang lahat na dumalo sa sama-samang pagkilos ng mga guro sa buong National Capital Region sa November 29, 2016 sa 2pm sa Gate 4 ng Malacanang upang makipagdayalogo kay Presidente Rodrigo Duterte. Kasabay nito ay idudulog at ipapanawagan rin natin ang matagal na nating kahilingang dagdag na sahod.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1683

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>