Pumanaw nitong Huwebes ng umanga ang dating Senadora Miriam Defensor Santiago sa edad na 71, sanhi ng kanyang sakit na cancer, ayon sa kanyang asawang si Atty. Jun Santiago.
"She died peacefully in her sleep this morning," pahayag ni Santiago.
Binawian ng buhay ang dating mambabatas habang naka-confine sa St. Luke's Medical Center sa Bonifacio Global City.
Noong 2014, inanunsyo ng senadora na mayroon siyang stage 4 lung cancer.
Matatandaang tumakbo pa siya sa pagka pangulo noong nakaraang haalang Mayo 2016 kung kailan nanalo si Rodrigo Duterte.
Noong 1992, una siyang tumakbo sa panguluhan, ngunit nanalo si Fidel Ramos.
Noong 1998, tumakbo siyang muli pero natalo siya ni Joseph Estrada.
Si Miriam ay isinilang sa Iloilo City noong June 15, 1945. —LBG, GMA News