10,000 teachers ‘mawawalan’ ng trabaho ‘pag inalis ang Filipino, Panitikan sa kolehiyo – group
Aabot sa 10,000 guro umano ang posibleng mawalan ng trabaho kapag ipinatupad na ang hatol ng Korte Suprema sa memorandum ng Commission on Higher Education (CHED) na nagtatanggal sa Filipino at Panitikan bilang pangunahing kurso o core subject sa kolehiyo.
READ: DESISYON NG SUPREME COURT
Ayon kay Dr. David Michael San Juan, convenor ng grupong Tanggol Wika, ilang guro na ang lumapit sa kanilang tanggapan dahil sa banta ng pagkasibak sa trabaho.
Paliwanag ng eksperto, hindi dapat magtapos sa elementarya, high school at senior high school ang pagtuturo sa Filipino at Panitikan pagkat may ilang diskurso din daw: gaya ng mga isyu sa lipunan at pagsasaliksik na sa kolehiyo dapat itinuturo.
Paglabag din daw ang hatol ng korte sa mga batas na nangangalaga sa Pambansang Wika.
Sa ngayon inihahanda na raw ng grupo ang mosyon kontra sa ruling ng korte, matapos mabatid na hindi dumaan sa oral arguments at public hearing ang inihaing memo ng CHED.
SOURCE: BOMBO RADYO PHILIPPINES