ABAD Computation is NO DIOK!
By Benjo Basas, Teachers Dignity Coalition ChairmanHindi raw prayoridad ng gubyerno ang umento sa sahod ng mga guro sabi ni DBM Secretary Ben Diokno. Aba, kahit pa sinabi ni Pangulong Digong? Marunong pa si Diokno sa kanyang Boss. Sinabi na ng pangulo na pag-aralan ang pagbibigay ng umento, kaya yun ang dapat niyang gawin. Hindi naman sinabing ngayon na o bukas, maaring sa susunod na taon. Wag lang namang sabihing hindi priority. Parang ansakit bes eh. Teacher tapos hindi priority. Eh sino o ano ang priority? Sir Diokno, is it a joke? Pinaghintay niyo na kami. Sanay naman kaming maghintay eh, kasi nga teacher kami. Mahaba ang pasensiya namin, kasi nga teacher kami. Matiyaga kami, kasi nga teacher kami. Maunawain kami, kasi nga teacher kami. Higit sa lahat, mabait kaming mangusap, kasi nga, teacher kami.